Pasalubong noong Lunes*
Hindi kaayaayang pasalubong ang inuwi namin sa elbi noong lunes. Kaiba sa mga dating bitbit namin na balita. Hindi mga katagang “tagumpay tayo mga kasama!” ang naisambulat, kundi simpleng iling at tungo na lamang.
Sa habahaba ba naman ng mga itinakbo ng mga kampanya, hindi ko lang talaga natanaw na matatapos na lamang na hindi natin hawak ang kinabukasan.
Tama na ang pagmomoda. Ndi pa naman tapos ang larga ng laban.
Marami pang mga naka-ambang problema, kailangan nang magtiyak ng susunod na hakbang.
Hinga lang tayo ng saglit. Ihanda ang mga sarili. Sama-sama ulit tayong susulong upang makamit ang tagumpay
*Sept 29, 2008-UPLB Chancellor Selection during the Board of Regents Meeting
Postscript: Hindi ko gusto ang napiling Chancellor. T_T

![[UP]dates](http://pithaya.files.wordpress.com/2008/10/chancellor-selection.png?w=231&h=298)